my ever exciting life.. hehe.. come join the fun.. =p

<$BlogDateHeaderDate$>

magulong magmahal

nakakatawa talaga ang love. isa siyang napakalaking oxymoron. lahat ng pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo at totoo pa rin. ang labo di ba? pero ang linaw.masaya magmahal. malungkot magmahal. di mo naiintindihan pero naiintindihan mo. walang rason. maraming rason. di mo na kaya, pero kaya mo pa rin. masakit magmahal. pero okay lang....ANO BA TALAGA??may kaibigan ako sabi niya dati "Love is only 4 stupid people", kakatawa kasi cum laude ang standing niya, pero dumating ang panahon, na-inlove din ang hunhang hehe...at ayun, tanga na siya ngayon....lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging oxymorondi. o kaya paminsan, nagiging moron lang.hindi lang kasi bsta baliktaran ang pagibig. lahat ng bagay nababaliktad din niya. lahat ng malalakas na tao humihina. ang mayayabang, nagpapakumbaba. ang mga walang pakialam, nagiging Mother Teresa, hehe, ang mga henyo nauubusan ng isasagot, ang malulungkot sumasaya, ang matitigas lumalambot....nakakatawa talaga. lalo na kapag dumadating siya sa mga taong ayaw na talaga magmahal. napansin ko nga eh, parang kung gusto mong mainlove sabihin mo lang "Ayoko na ma-inlove"!....biglang wacha (",)!!...ayan na siya.nangaasar, magpapaasar ka namandba nakakatawa rin na ragdating sa problema ng ibang tao, ang galing galing mo? pero kapag prblema mo na yung pinaguusapan parang nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo dun sa namo-mroblemang tao? naiisip mong wala namang mali dun sa mga sinabi mo. pero bakit parang wala ring tama?bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig"ngayon ko lang nalaman ganito pala, sabi ko na eh!""Ang sarap mabuhay. pwede na ako mamatay, as in now na!"at hindi lang yun. Ang sarap din pagtawanan ang mga taong alam naman nilang masasaktan lang sila eh magpapatihulog pa rin sa bangin ng pagibig. Tapos kapag luray-luray na yung puso nila, syempre hindi sila yung may kasalanan. Siya! Bakit niya ako sinaktan?! may kasama pang pagsuntok sa pader yon, at pagbagsak ng pinto.Hayop talaga. Mauubos ang buong magdamag ko kakasabi ng mga bagay na nakakatawa kapag pag-ibig na ang pinagusapan. Ang daming beses ko na kasi siya naasalubong kaya masasabi ko nang eksperto na ako. Pero wala pa rin akong alam.Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang katotohanang kapag gusto magpatawa ng pagibig, ipusta mo na ang lahat ng ari-arian mo dahil siguradong ikaw ang punchline.Nakakatawa no?Nakakaiyak.Hay life..

-lumang post din.. hay.. totoo kasi..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home